Paano gawin ang malupit na crossover o ankle-breaker move? Simple lang kailangan magaling ka sumayaw hahaha. Una kong natutunan ang crossover nung college ako, napanood ko si Tim Hardaway noon kung paano sya mag-ball crossover at iwan ang kalaban. Eto ang listahan kung paano maisakatuparan ang malupit na galaw na ito:
- Tignan mo ang kalaban, yumuko ng konti
- Lituhin muna ang kalaban sa pamamagitan ng pagdribol pakanan (para sumunod sya)
- Bumalik sa dating pwesto at magdribol naman pakaliwa (susunod ulit sya)
- Ngayon, magdribol pakanan at biglang ilipat ang pagdribol ng bola sa kaliwa (single crossover) or bumalik ulit sa kanan (double crossover)
- Kapag naiwan mo na ang iyong kalaban syempre lay-up or jump shot na. (mas maganda kung titignan mo rin sya para pang-asar hehe)
Praktis lang at mapeperpekto nyo rin ito. Panoorin nyo din ang NBA Crossover Mix sa Youtube ng iba't ibang klaseng ankle-breaker move nila Allen Iverson, Stephon Marbury, Kobe Bryant at Steve Francis.
No comments:
Post a Comment