Wednesday, April 6, 2011

Tips sa Paghahanap ng Trabaho dito sa Singapore

Merlion at Sentosa image

Sa Pilipinas....

  1. Magsubmit ng CV sa JobsDB.com, Jobstreet.com at ST701.com

  2. Prepare ka ng Pocket Money for 1 month para sa rent, food and transpo.

  3. Punta sa PinoySG.com at FilSG.com para maghanap ng room or bedspace for rent.

  4. Bumili ng 2-way ticket MNL-SG-MNL (Budget Airlines: CebuPac, AirPhilippines, JetStar and TigerAirways)

  5. Lakas ng Loob para sa Immigration natin, medyo matanong sila pag unang labas mo ng bansa. Huwag mo sasabihin na maghahanap ka ng trabaho, sabihin mo magbabakasyon or papasyal lang.


Sa Singapore....

  1. Dasal para pasasalamat sa ligtas na paglapag sa Singapore at dasal ulit para tatakan ka ng 30-days ng Immigration Officer.

  2. Huwag gumamit ng cellphone, camera at ibang gadgets habang nasa pila.

  3. Yung mga tanong lang ng Immigration Officer ang sasagutin mo wag masyado magpakabibo.

  4. Sa mga kasuotan specially sa mga babae wag naman kayo mag-sleevless and shorts, baka makwarto kayo at ma-airport to airport.


Paghahanap ng work....

  1. Araw-araw gumising ng maaga, magpadala ng CV sa mga nabanggit kong jobsite. (9AM ang start ng office dito, send ka mga 6am para pagpasok ng HR eh mabasa na nila ang email mo)

  2. Tuwing Sabado bumili ng Straits Times na dyaryo at tumingin ng mga opening sa Classified Ads.

  3. Linggo, simba ka.


Paalala lang, pumunta kayo sa Singapore para maghanap ng trabaho, hanggat maari wag muna mamasyal. Ganito mga nangyari sa ibang mga kaibigan ko dito, ayun inuna ang paglalakwatsa at naubusan ng pondo sa huli.

Saturday, April 2, 2011

adizero Rose 1.5

adizero rose 1.5 image

Sa wakas nakabili rin nang malupit na sapatos para mas mabilis at matinik na ankle-breaker crossover move. Ang adizero Rose 1.5 ay opisyal na sapatos ni Derrick Rose ng Chicago Bulls. Ang adizero Rose 1.5 ay may bigat na 12.9 oz o 0.36 kg at nagkakahalaga ng S$169.

Tuesday, March 22, 2011

Ang Mapagsamantalang Metered Taxi

metered taxi image

Biglaan ang uwi namin ni misis nung nakaraang linggo sa kadahilanang kailangan na bunutin ang kanyang bagang. Hindi sana kami uuwi kaya lang sobrang mahal ng pagpapabunot ng ipin dito, biruin mo P35k, bunot lang at wala pang x-ray yun ha. Kaya napilitan na lang kami umuwi ng Pilipinas at doon nagpabunot.

Hindi na kami nagpasundo sa aming pamilya at naisipan na lang naming sumakay ng airport metered taxi (yung dilaw). Pumila kami at tinanong ng nagreresibo kung saan ang punta namin. Sinabi namin Imus, Cavite at sinulat nya sa resibo ang lugar at ang plate number ng taxi.

Sumakay na kami sa taxi at tinanong ni manong driver kung saan ang lugar na paghahatiran sa amin. Sinabi namin sa Imus at umiling-iling ang taxi driver at tinanong kami kung may sinabi ba daw yung nag-issue ng resibo sa amin. Ang sabi naman namin ay wala, nagumpisa na sya magsalita na kesyo ang metro daw nila ay hanggang Bacoor lang at sinasabi nya lang daw ito para alam namin. Sabi na lang namin eh sana dun pa lang sa airport eh sinabi nyo na yan para bumaba agad kami. Kinuha nya ang resibo namin at may binabasa habang patuloy pa rin ang pagiling-iling at pagsasabi na hanggang Bacoor lang talaga sila.

Sa sobrang asar ko eh sinabi ko "ibaba nyo na lang ho kami sa Bacoor, nakakahiya naman ho sa inyo" at pilit nya pa ring sinasabi na ihahatid ko naman kayo kaya lang hanggang Bacoor lang talaga ang metro namin. Kinulit ko na lang sya na ibaba na lang kami sa Bacoor at yun nga binaba kami sa harap ng SM Bacoor. Ayaw nya pa ibigay yung resibo kung saan nakalagay ang plate number nya na TXS-339 at sabi ko eh kopya namin yan pero pinilit ko na ibigay sa amin.

Haay nakakalungkot lang isipin na bakit ganito ang ibang taxi driver, mapagsamantala porket alam nilang galing ka ng ibang bansa. Iniisip ko na doblehen ang metro nya basta maihatid lang kami ng maayos pero nauuna ang reklamo kesa trabaho.

Monday, March 14, 2011

Tips sa Pagkuha ng Passport Extension sa Singapore

Philippine Passport image

Biglaan ba ang iyong uwi at hindi pa ilang buwan na lang ay maeexpire na ang iyong pasaporte? Eto ang mga tips kung paano kumuha ng passport extension sa Philippine Embassy na matatagpuan sa 20 Nassim Road.

  1. Pumunta ng maaga sa embahada at pumila sa labas. Siguraduhing dala mo ang iyong pasaporte, piktyur, IC (PR, Epass, SPass & Work Permit) at pambayad (S$34). I-xerox na din ang mga kopya nito.

  2. Alas-9 ay magbubukas na ang gate ng embahada, humingi ng numero sa guard at ilagay ang inyong impormasyon sa kanilang logbook. Tandaan 150 lang ibibigay na numero ni manong guard.

  3. Pumunta sa Window 8/9 at hintayin ang iyong numero. Kapag tinawag na ay bibigyan ka ng tatlong form at punan ito.

  4. Pagkatapos punan ang mga form pumunta sa Window 7 para maberipika.

  5. Ikaw ay papupuntahin sa main lobby ng embahada para kausapin ng Vice Council.

  6. Tatanungin ka ni Vice Council kung bakit mo i-eextend ang iyong pasaporte, sabihin ang iyong dahilan. Sabihin mo din na kailangan mo din ngayon ang extension yun nga lang may extrang bayad (S$50).

  7. Ibabalik sayo ang isang kopya ng form kasama ang iyong pasaporte. Pumunta na sa Window 6 para magbayad (bibigyan ka ng resibo at kukunin ang iyong pasaporte).

  8. Kumuha ulit ng numero under ng Passport Releasing.

  9. Hintaying tawagin ang numero sa Window 10 at ibibigay na sayo ang iyong pasaporte na may tatak na isang taong extension.


Sana makatulong ang ibinahagi kong tips, ang mga tips na ibinigay ko eh batay lang sa naging experience ko kanina (March 2011). Kung may ibang katanungan maari kayong tumawag sa ating embahada sa +65 6737-3977 o bisitahin ang kanilang website sa http://www.philippine-embassy.org.sg/

Friday, March 11, 2011

Katapusan na ba ng Mundo?



Naging laman ng mga balita kaninang hapon ang naganap na lindol sa bansang Japan na may lakas na 8.9-magnitude. Pagkatapos ng malakas na lindol ay sinundan naman ito ng tsunami na umabot sa taas na 33 talampakan. Kinalibutan ako habang pinapanood ko ang video sa itaas, kayo na ang humusga kung totoo ba ito o haka-haka lamang. Ipagdasal na lang natin na sana ay huminto na ang mga nangyayaring kalamidad sa iba't ibang panig ng mundo at maging ligtas ang mga mahal natin sa buhay.

Thursday, March 10, 2011

Pangulong Noynoy Aquino naghagdan ng 20 palapag sa Singapore

President Noynoy Aquino image

Pinahanga ako ng ating Pangulong si Noynoy Aquino nang bumisita sya dito sa Singapore. Akalain mo hindi sya nagdalawang-isip na akyatin ang 20 palapag ng National Water Agency kasama ang kanyang mga gabinete, PSG, mga tauhan ng PUB at ni Prime Minister Lim Swee Say. Lubos ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng PUB kay P-Noy dahil sa nasirang elevator at ang tangi nya lang sinambit ay "No problem". Napaka-down-to-earth talaga ng ating pangulo, isang katangian na maipagmamalaki ng bawat OFW na nagtatrabaho dito sa Singapore.

Wednesday, March 9, 2011

Naruto Manga 531

naruto manga 531 image
Imahe mula sa Mangastream.com

Naruto Manga 531 - Nagumpisa na ang laban nila Mifune at Hanzou, sino sa tingin nyo ang mas magaling, samurai o shinobi?

Basahin ang manga sa
http://mangastream.com/read/naruto/91687110/1