Sa Pilipinas....
- Magsubmit ng CV sa JobsDB.com, Jobstreet.com at ST701.com
- Prepare ka ng Pocket Money for 1 month para sa rent, food and transpo.
- Punta sa PinoySG.com at FilSG.com para maghanap ng room or bedspace for rent.
- Bumili ng 2-way ticket MNL-SG-MNL (Budget Airlines: CebuPac, AirPhilippines, JetStar and TigerAirways)
- Lakas ng Loob para sa Immigration natin, medyo matanong sila pag unang labas mo ng bansa. Huwag mo sasabihin na maghahanap ka ng trabaho, sabihin mo magbabakasyon or papasyal lang.
Sa Singapore....
- Dasal para pasasalamat sa ligtas na paglapag sa Singapore at dasal ulit para tatakan ka ng 30-days ng Immigration Officer.
- Huwag gumamit ng cellphone, camera at ibang gadgets habang nasa pila.
- Yung mga tanong lang ng Immigration Officer ang sasagutin mo wag masyado magpakabibo.
- Sa mga kasuotan specially sa mga babae wag naman kayo mag-sleevless and shorts, baka makwarto kayo at ma-airport to airport.
Paghahanap ng work....
- Araw-araw gumising ng maaga, magpadala ng CV sa mga nabanggit kong jobsite. (9AM ang start ng office dito, send ka mga 6am para pagpasok ng HR eh mabasa na nila ang email mo)
- Tuwing Sabado bumili ng Straits Times na dyaryo at tumingin ng mga opening sa Classified Ads.
- Linggo, simba ka.
Paalala lang, pumunta kayo sa Singapore para maghanap ng trabaho, hanggat maari wag muna mamasyal. Ganito mga nangyari sa ibang mga kaibigan ko dito, ayun inuna ang paglalakwatsa at naubusan ng pondo sa huli.