Tuesday, March 22, 2011

Ang Mapagsamantalang Metered Taxi

metered taxi image

Biglaan ang uwi namin ni misis nung nakaraang linggo sa kadahilanang kailangan na bunutin ang kanyang bagang. Hindi sana kami uuwi kaya lang sobrang mahal ng pagpapabunot ng ipin dito, biruin mo P35k, bunot lang at wala pang x-ray yun ha. Kaya napilitan na lang kami umuwi ng Pilipinas at doon nagpabunot.

Hindi na kami nagpasundo sa aming pamilya at naisipan na lang naming sumakay ng airport metered taxi (yung dilaw). Pumila kami at tinanong ng nagreresibo kung saan ang punta namin. Sinabi namin Imus, Cavite at sinulat nya sa resibo ang lugar at ang plate number ng taxi.

Sumakay na kami sa taxi at tinanong ni manong driver kung saan ang lugar na paghahatiran sa amin. Sinabi namin sa Imus at umiling-iling ang taxi driver at tinanong kami kung may sinabi ba daw yung nag-issue ng resibo sa amin. Ang sabi naman namin ay wala, nagumpisa na sya magsalita na kesyo ang metro daw nila ay hanggang Bacoor lang at sinasabi nya lang daw ito para alam namin. Sabi na lang namin eh sana dun pa lang sa airport eh sinabi nyo na yan para bumaba agad kami. Kinuha nya ang resibo namin at may binabasa habang patuloy pa rin ang pagiling-iling at pagsasabi na hanggang Bacoor lang talaga sila.

Sa sobrang asar ko eh sinabi ko "ibaba nyo na lang ho kami sa Bacoor, nakakahiya naman ho sa inyo" at pilit nya pa ring sinasabi na ihahatid ko naman kayo kaya lang hanggang Bacoor lang talaga ang metro namin. Kinulit ko na lang sya na ibaba na lang kami sa Bacoor at yun nga binaba kami sa harap ng SM Bacoor. Ayaw nya pa ibigay yung resibo kung saan nakalagay ang plate number nya na TXS-339 at sabi ko eh kopya namin yan pero pinilit ko na ibigay sa amin.

Haay nakakalungkot lang isipin na bakit ganito ang ibang taxi driver, mapagsamantala porket alam nilang galing ka ng ibang bansa. Iniisip ko na doblehen ang metro nya basta maihatid lang kami ng maayos pero nauuna ang reklamo kesa trabaho.

No comments:

Post a Comment