Biglaan ba ang iyong uwi at hindi pa ilang buwan na lang ay maeexpire na ang iyong pasaporte? Eto ang mga tips kung paano kumuha ng passport extension sa Philippine Embassy na matatagpuan sa 20 Nassim Road.
- Pumunta ng maaga sa embahada at pumila sa labas. Siguraduhing dala mo ang iyong pasaporte, piktyur, IC (PR, Epass, SPass & Work Permit) at pambayad (S$34). I-xerox na din ang mga kopya nito.
- Alas-9 ay magbubukas na ang gate ng embahada, humingi ng numero sa guard at ilagay ang inyong impormasyon sa kanilang logbook. Tandaan 150 lang ibibigay na numero ni manong guard.
- Pumunta sa Window 8/9 at hintayin ang iyong numero. Kapag tinawag na ay bibigyan ka ng tatlong form at punan ito.
- Pagkatapos punan ang mga form pumunta sa Window 7 para maberipika.
- Ikaw ay papupuntahin sa main lobby ng embahada para kausapin ng Vice Council.
- Tatanungin ka ni Vice Council kung bakit mo i-eextend ang iyong pasaporte, sabihin ang iyong dahilan. Sabihin mo din na kailangan mo din ngayon ang extension yun nga lang may extrang bayad (S$50).
- Ibabalik sayo ang isang kopya ng form kasama ang iyong pasaporte. Pumunta na sa Window 6 para magbayad (bibigyan ka ng resibo at kukunin ang iyong pasaporte).
- Kumuha ulit ng numero under ng Passport Releasing.
- Hintaying tawagin ang numero sa Window 10 at ibibigay na sayo ang iyong pasaporte na may tatak na isang taong extension.
Sana makatulong ang ibinahagi kong tips, ang mga tips na ibinigay ko eh batay lang sa naging experience ko kanina (March 2011). Kung may ibang katanungan maari kayong tumawag sa ating embahada sa +65 6737-3977 o bisitahin ang kanilang website sa http://www.philippine-embassy.org.sg/
No comments:
Post a Comment