Tuesday, March 22, 2011

Ang Mapagsamantalang Metered Taxi

metered taxi image

Biglaan ang uwi namin ni misis nung nakaraang linggo sa kadahilanang kailangan na bunutin ang kanyang bagang. Hindi sana kami uuwi kaya lang sobrang mahal ng pagpapabunot ng ipin dito, biruin mo P35k, bunot lang at wala pang x-ray yun ha. Kaya napilitan na lang kami umuwi ng Pilipinas at doon nagpabunot.

Hindi na kami nagpasundo sa aming pamilya at naisipan na lang naming sumakay ng airport metered taxi (yung dilaw). Pumila kami at tinanong ng nagreresibo kung saan ang punta namin. Sinabi namin Imus, Cavite at sinulat nya sa resibo ang lugar at ang plate number ng taxi.

Sumakay na kami sa taxi at tinanong ni manong driver kung saan ang lugar na paghahatiran sa amin. Sinabi namin sa Imus at umiling-iling ang taxi driver at tinanong kami kung may sinabi ba daw yung nag-issue ng resibo sa amin. Ang sabi naman namin ay wala, nagumpisa na sya magsalita na kesyo ang metro daw nila ay hanggang Bacoor lang at sinasabi nya lang daw ito para alam namin. Sabi na lang namin eh sana dun pa lang sa airport eh sinabi nyo na yan para bumaba agad kami. Kinuha nya ang resibo namin at may binabasa habang patuloy pa rin ang pagiling-iling at pagsasabi na hanggang Bacoor lang talaga sila.

Sa sobrang asar ko eh sinabi ko "ibaba nyo na lang ho kami sa Bacoor, nakakahiya naman ho sa inyo" at pilit nya pa ring sinasabi na ihahatid ko naman kayo kaya lang hanggang Bacoor lang talaga ang metro namin. Kinulit ko na lang sya na ibaba na lang kami sa Bacoor at yun nga binaba kami sa harap ng SM Bacoor. Ayaw nya pa ibigay yung resibo kung saan nakalagay ang plate number nya na TXS-339 at sabi ko eh kopya namin yan pero pinilit ko na ibigay sa amin.

Haay nakakalungkot lang isipin na bakit ganito ang ibang taxi driver, mapagsamantala porket alam nilang galing ka ng ibang bansa. Iniisip ko na doblehen ang metro nya basta maihatid lang kami ng maayos pero nauuna ang reklamo kesa trabaho.

Monday, March 14, 2011

Tips sa Pagkuha ng Passport Extension sa Singapore

Philippine Passport image

Biglaan ba ang iyong uwi at hindi pa ilang buwan na lang ay maeexpire na ang iyong pasaporte? Eto ang mga tips kung paano kumuha ng passport extension sa Philippine Embassy na matatagpuan sa 20 Nassim Road.

  1. Pumunta ng maaga sa embahada at pumila sa labas. Siguraduhing dala mo ang iyong pasaporte, piktyur, IC (PR, Epass, SPass & Work Permit) at pambayad (S$34). I-xerox na din ang mga kopya nito.

  2. Alas-9 ay magbubukas na ang gate ng embahada, humingi ng numero sa guard at ilagay ang inyong impormasyon sa kanilang logbook. Tandaan 150 lang ibibigay na numero ni manong guard.

  3. Pumunta sa Window 8/9 at hintayin ang iyong numero. Kapag tinawag na ay bibigyan ka ng tatlong form at punan ito.

  4. Pagkatapos punan ang mga form pumunta sa Window 7 para maberipika.

  5. Ikaw ay papupuntahin sa main lobby ng embahada para kausapin ng Vice Council.

  6. Tatanungin ka ni Vice Council kung bakit mo i-eextend ang iyong pasaporte, sabihin ang iyong dahilan. Sabihin mo din na kailangan mo din ngayon ang extension yun nga lang may extrang bayad (S$50).

  7. Ibabalik sayo ang isang kopya ng form kasama ang iyong pasaporte. Pumunta na sa Window 6 para magbayad (bibigyan ka ng resibo at kukunin ang iyong pasaporte).

  8. Kumuha ulit ng numero under ng Passport Releasing.

  9. Hintaying tawagin ang numero sa Window 10 at ibibigay na sayo ang iyong pasaporte na may tatak na isang taong extension.


Sana makatulong ang ibinahagi kong tips, ang mga tips na ibinigay ko eh batay lang sa naging experience ko kanina (March 2011). Kung may ibang katanungan maari kayong tumawag sa ating embahada sa +65 6737-3977 o bisitahin ang kanilang website sa http://www.philippine-embassy.org.sg/

Friday, March 11, 2011

Katapusan na ba ng Mundo?



Naging laman ng mga balita kaninang hapon ang naganap na lindol sa bansang Japan na may lakas na 8.9-magnitude. Pagkatapos ng malakas na lindol ay sinundan naman ito ng tsunami na umabot sa taas na 33 talampakan. Kinalibutan ako habang pinapanood ko ang video sa itaas, kayo na ang humusga kung totoo ba ito o haka-haka lamang. Ipagdasal na lang natin na sana ay huminto na ang mga nangyayaring kalamidad sa iba't ibang panig ng mundo at maging ligtas ang mga mahal natin sa buhay.

Thursday, March 10, 2011

Pangulong Noynoy Aquino naghagdan ng 20 palapag sa Singapore

President Noynoy Aquino image

Pinahanga ako ng ating Pangulong si Noynoy Aquino nang bumisita sya dito sa Singapore. Akalain mo hindi sya nagdalawang-isip na akyatin ang 20 palapag ng National Water Agency kasama ang kanyang mga gabinete, PSG, mga tauhan ng PUB at ni Prime Minister Lim Swee Say. Lubos ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng PUB kay P-Noy dahil sa nasirang elevator at ang tangi nya lang sinambit ay "No problem". Napaka-down-to-earth talaga ng ating pangulo, isang katangian na maipagmamalaki ng bawat OFW na nagtatrabaho dito sa Singapore.

Wednesday, March 9, 2011

Naruto Manga 531

naruto manga 531 image
Imahe mula sa Mangastream.com

Naruto Manga 531 - Nagumpisa na ang laban nila Mifune at Hanzou, sino sa tingin nyo ang mas magaling, samurai o shinobi?

Basahin ang manga sa
http://mangastream.com/read/naruto/91687110/1

One Piece Manga 617

onepiece manga 617 image
Imahe mula sa Mangastream.com

One Piece Manga 617 - Sinugod na ng pangkat ni Vander Decken ang Ryuuguu kung saan lalabanan ni Zorro ang isa sa mga alagad nya sa tubig. Nakita naman nina Luffy at Princess Shirahoshi na nasa loob ng malaking pating na si Magalo sila Sanji at Chopper.

Basahin ang manga sa
http://mangastream.com/read/one_piece/67205412/1

Bleach Manga 440

bleach manga 440 image
Imahe mula sa Mangastream.com

Bleach Manga 440 - Pinuntahan nila Ichigo at Sado si Inoue dahil may nararamdaman silang kakaibang reiatsu na malapit sa kanya. Sa lugar ni Inoue nagpakita si Tsukishima at naiisip nya na itong labanan at gamitin ang kanyang Santen Kesshun.

Basahin ang manga sa
http://mangastream.com/read/bleach/50347159/1

Hajime No Ippo Manga 928

Hajime No Ippo Manga 928 image
Imahe mula sa Mangastream.com

Hajime No Ippo Manga 928 - Galit na galit si Makunochi dahil sa pangiinsulto ni Hisato. Samantala nagalit naman si Takamura at itinumba ang lamesa dahil sa di pagpunta ni Makunochi sa kanyang press conference.

Basahin ang manga sa
http://mangastream.com/read/one_piece/67205412/1

Tuesday, March 8, 2011

Paano Gawin ang Crossover o Ankle-Breaker Move

Crossover Move photo

Paano gawin ang malupit na crossover o ankle-breaker move? Simple lang kailangan magaling ka sumayaw hahaha. Una kong natutunan ang crossover nung college ako, napanood ko si Tim Hardaway noon kung paano sya mag-ball crossover at iwan ang kalaban. Eto ang listahan kung paano maisakatuparan ang malupit na galaw na ito:

  1. Tignan mo ang kalaban, yumuko ng konti

  2. Lituhin muna ang kalaban sa pamamagitan ng pagdribol pakanan (para sumunod sya)

  3. Bumalik sa dating pwesto at magdribol naman pakaliwa (susunod ulit sya)

  4. Ngayon, magdribol pakanan at biglang ilipat ang pagdribol ng bola sa kaliwa (single crossover) or bumalik ulit sa kanan (double crossover)

  5. Kapag naiwan mo na ang iyong kalaban syempre lay-up or jump shot na. (mas maganda kung titignan mo rin sya para pang-asar hehe)


Praktis lang at mapeperpekto nyo rin ito. Panoorin nyo din ang NBA Crossover Mix sa Youtube ng iba't ibang klaseng ankle-breaker move nila Allen Iverson, Stephon Marbury, Kobe Bryant at Steve Francis.

Pacquiao vs Payo Jr.

Pacquiao vs Payo Jr image

Medyo boring dito sa office kahapon kaya todo Facebook ang ginawa ko. Binisita ko ang FanPage ng AMKBOYS (mga kalaro ko sa basketball) at nakita kong sumali si Ruben Payo Jr. In-add ko sya at nakita ko ang larawan nya na nagbubuhat ng dumbell. Si Ruben eh isang payat pero may six pack at magaling na manlalaro ng basketball. Dahil sa katuwaan eh napagtripan kong gawan ng poster na ang kalaban ay si Congressman Manny Pacquiao.=) (Peace Ruben)

Portrait Photography sa Tanjong Pagar

portrait photography image

Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon ng photoshoot ang Shifting Photographers ng Singapore. Ang tema ay portrait photography at ito ay dinaluhan ng mga baguhan sa mundo ng pagkuha ng larawan kasama ako =). Isang modelo na nagngangalang Miss Zy ang naging modelo namin. Tinuro ng mga batikang photographer ang tamang timpla ng kamera sa manual mode (Shutter: 100 / Aperture: 2.8 / ISO: 200).

Pilipinas Got Talent - Marcelito Pomoy



Sa unang tingin, akala mo eh walang binatbat ang contestant ng Pilipinas Got Talent na si Marcelito Pomoy. Pero nang kinakanta nya ang "Narito Ako" ni Regine Velasquez ako ay namangha. Si Marcelito ay tubong Surigao pero lumaki sa Imus, Cavite.

Monday, March 7, 2011

Mabuhay

Mabuhay! Mabuhay! kayo'y mabubuhay sa haplos ng aking mga kamay - Vice Ganda =)